Kwentong Kalikasan Aug 30, '09 12:45 AM
for everyone
*this entry was written by a Haribon employee
May ilang taon na rin akong empleyado ng Haribon. Isang mamamayang may paghanga sa ganda ng kalikasan na nagbakasakaling makapasok sa isang organisasyong nangagalaga para dito. Di ko inasahang makakapasok ako.
Sa mga taong ito, nagbago ang aking pagtingin sa kalikasan. Dati, ang nakikita ko lang ay ang ganda nito bilang pook pasyalan ng mga turista. Ngayon, nakita kong ang tao at ang kalikasan ay mahirap paghiwalayin. Napagtanto kong ang laki ng papel natin sa pagsira at pangangalaga ng kalikasan. Tumatak sa isip ko na lahat ng bahay ay magkakaugnay. At nagising ako sa katotohanang nasisira na ang yaman natin.
Sa maraming bagay na natutunan ko, nakakatuwang isipin na unti-unti ko ng naisasabuhay ang pangangalaga sa kalikasan kahit sa maliit na paraan. Hindi lang bilang isang empleyado kundi bilang isang taong makakalikasan. Mula sa simpleng paggamit ng katsa bags sa halip na plastik, paghiwalay ng nabubulok sa hindi nabubulok na basura, pagtanim ng mga native na puno at pagpapasa ng mga impormasyong pangkalikasan sa aking mga kapamilya at kaibigan. Mga simpleng gawain na makakatulong ng malaki...
Kayo, anong kwentong kalikasan ninyo? Anong mga gawain ang maimumungkahi nyo para maalagaan ang kalikasan natin?
Websearch

Custom Search
Nuff
Friday, October 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hendrix
Hendrix
No comments:
Post a Comment